Paano Magkaroon ng Malaking Credit Limit sa PC Kung Walang Puhunan
Maraming nanay o kahit mga tatay ngayon ang takot ng mag-invest dahil ayaw ng ma-scam. Marami kasing naglipanang fly-by-night companies na nagsusulputan at tulad ng maraming nagsara, lahat sila ang kanilang ipinagmamalaki ang EASY TO GET RICH formula na kanila lamang nirepackage.
May kumpanya bang magtitiwala sa iyo kahit wala kang capital? Kung ang sagot mo ay "meron", marahil iyon na ang susi mo upang magkaroon ka ng sarili mong negosyo. Subalit baka ang sagot mo ay "wala", baka ang negosyong Personal Collection ang makakatulong sa iyo upang maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay.
Ay teka, bakit ba parang siguradong-sigurado akong pwede kang yumaman sa Personal Collection? Meron na bang yumaman dito? Oo naman siyempre, marami nang yumaman sa PC. Isa na diyan si Mr. Rogelio Esteron,. Gusto mong malaman ang buhay niya ngayon, i-click mo ang link na ito. Isa lang si Mr. Esteron sa napakarami nang taong yumaman sa PC.
Madali lang ang pagnenegosyo dahil bibigyan ka ng kumpanya ng "37 days" na "credit term". Ang credit term ay ang bilang ng araw na ibinibigay ng isang kumpanyang nagpapautang bago bayaran ang halagang inutang. Mas mainam na lumapit muna sa mga kakilala at ibenta ang mga produkto gamit ang brochure. Pagkatapos makareceive ng order, pumunta agad sa branch at mag PO.
Ang mas nakakaexcite pa, kapag advance o on-time kang magbayad sa iyong due o halaga ng bayarin kay PC, bibigyan ka pa ni PC ng extra 20% additional credit limit "CL" na ibabase sa halaga na iyong binayaran na hindi lumagpas sa due date.
Tekka, nakakalito ba kung paano ang additional CL.Ganito lang yan, kung may due amount ka na P1,000 sa Feb. 14 at binayad mo ito sa petsa mismo na Feb. 14, magkakaroon ka ng extra 20% ng iyong binayad o P200 (1,000 times 20%). Hindi ba maganda? Sobrang ganda kaya. Kasi habang inaalagaan mo ang iyong negosyo sa PC, mas lalong lalaki pa ang iyong CL na pwede mong gamitin kapag marami kang orders na nakuha.
Kapag inalagaan mo ang iyong negosyo, tiyak lalago ito.
No comments:
Post a Comment