Tuesday, October 21, 2014

Gustong Maging Membro Ngunit Walang Billing Address, Ito ang mga Nararapat na Gawin

Ano ang iyong gagawin kapag ang iyong billing address ay hindi nakapangalan sa iyo?

Ito kalimitan ang nagiging problema ng mga gustong magpamembro sa Personal Collection. Kumpleto na ang ibang requirements gaya ng Valid ID at ng litrato subalit ang pangalan ng bill ay hindi sa kanila.

Di ka na dapat pang mag-alala kaibigan sapagkat, pwede ka paring maging kabahagi ng ating negosyo. Sundin lang ang mga paanyayang ito:

Kung ang iyong bill ay nakapangalan sa iyong ama o ina, ipresenta ang mga sumusunod:
  1. Siguraduhing kumpleto na ang ibang dokumento maliban sa bill. Basahin ang mga kailangang papeles para maging membro ng PersonalCollection.
  2. Ang billing address ay kailangang bago (dapat ang petsa nito ay tatlong (3) buwan pa lang ang nakalipas) at ilakip ito sa iba pang requirements.
  3. Kung ikaw naman ay single o di kaya’y lalaking may asawa, idagdag mo sa requirements ang kopya ng iyong birth certificate na magpapatunay na ikaw ay anak ng taong nakapangalan sa bill.
  4. Kung ikaw naman ay babaeng naikasal na, kailangang ilakip rin ang kopya ng inyong marriage contract dahil ito ay magpapatunay na anak ka ng taong nakapangalan sa bill. Alalahanin na ang iyong apelyido ay iba na sa apelyido ng iyong totoong mga magulang.

Paano naman kung ang bill ay di nakapangalan sa iyong mga magulang?

Ito ang pinakamadalas na nagiging problema. Marami sa mga gustong maging membro ay walang sariling bill dahil sila ay nangungupahan lang. Marami-rami rin ang kaso na ang bill ay nakapangalan sa kanyang lolo, lola, tito, tita o di kaya ay sa kapatid niya.
Wag ka pa ring mag-alala dahil may remedyo sa problemang ito.  Gawing maigi ang mga sumusunod:

  1. Siguraduhing kumpleto na ang ibang dokumento maliban sa bill. Basahin ang mga kailangang papeles para maging membro ng Personal Collection.
  2. Kumuha ng barangay certification o barangay clearance. Importante na ito ay didikitan ng isang 2 by 2 o di kaya ay passport size na larawan. Kailangan ding mapirmahan ng nag-issue ng dokumento ang larawan. Sa baba nito, makikita mo link na mag-uugnay sa iyo upang makita ang dokumentong naglalaman ng halimbawa ng tamang barangay certificate o barangay clearance na siyang ipapasa sa Personal Collection.
Halimbawa ng Tamang Barangay Certification o Barangay Clearance

Ngayon, kung nakumpleto mo na ang  mga kailangang dokumento, pwede mo nang isubmit ang mga papeles mo sa pinakamalapit na branch ng Personal Collection sa kinaroroonan mo. Subalit kung gusto mo pang liwanaging muli ang mga requirements, tingnan muli ang kumpletonglistahan ng mga kailangan papeles upang maging membro o distributor ng PersonalCollection.

[Ibalik sa Ingles ang paksang ito]

No comments:

Post a Comment