Thursday, February 27, 2020

Paano Maging Isang Franchise Director (FD) sa Personal Collection



Kung ikaw ay may talento sa pagnenegosyo at may kakaibang talento rin sa pakikipaghalubilo sa mga tao, ang negosyong PC ay pwedeng-pwede sa iyo.

Bago ka maaaring maging Franchise Director "FD", kinakailangan munang dumaan sa pagiging Franchise Associate Manager o FAM. Sa oras na naging FAM na ang isang Franchise Builder o ang tawag sa mga normal na dealers ni PC, ay magkakaroon na ito ng tsansasng tumanggap ng rebates o commissions mula sa sales nito at sa kanyang mga recruits.

Mayroon pang dalawang promotion na pwedeng abutin ng isang PC dealer, ito ay ang pagiging FD at ang isa naman ay ang pagiging Maging Director "MD". Kung ang isang FAM ay gustong maging FD, kailangan niya munang maging resident FAM for 3 months, bago siya mag qualify for promotion sa loob ng 3 buwan.



Example: Napromote si Maria Leonora noong Jan. 1, 2020 bilang isang FAM. Sa loob ng tatlong buwan (mula Jan. 1, 2020 to Mar. 31, 2020) ay magiging resident FAM muna siya ng kanyang recruiter. Simula April 1, 2020, pwede na siyang mag papromote.

Pagkatapos ng residency period ni Maria Leonora, pwede na itong magsimulang magpapromote.

Option 1:Kinakailangan na magkaroon si Maria Leonora ng P70,000 gross group paid-in-sales at P70,000 booked sales sa buwan ng Abril 2020, sa buwan ng Mayo 2020 at sa buwan ng Hunyo 2020.

Option 1: Monthly Paid-in Sales and Booked Sales Target Upang Mapromote from FAM to FD

Total Paid-in Sales at Total Booked Sales para sa tatlong (3) magkakasunod na buwan ay P210,000. Aside sa P210,000 na requirement, kailangan ni Maria Leonora na magkaroon ng limang (5) promote-out FAMs o (5) source-out FAMs o di kaya'y kombinasyon ng dalawa. Sa oras na ito ay nakumpleto, ready na ang isang FAM na maging FD.


Option 2:

Kung sakali namang na hit ang target sa buwan ng Abril 2020, subalit nabigong maabot ang target pagdating ng Mayo 2020, pwedeng-pwede pang bawiin ito sa pangatlong buwan basta ay aabot ito sa P210,000 na quota para sa Paid-in Sales at sa Booked Sales.


Scenario 1: Failed Promotion




Scenario 2: Successful Promotion


PLUS

5 Promote-Out FAMs or 5 Source-Out FAMs or Combination

Sa scenario 2, may isa pang dapat na bantayan ang nagpapaqualify na FAM to FD. Kinakailangan na sa loob ng Qualifying Months, magkaroon ito ng limang (5) promote-out FAMs o (5) source-out FAMs o di kaya'y kombinasyon ng dalawa. Sa oras na ito ay nakumpleto, ready na ang isang FAM na maging FD.

Ang Personal Collection Direct Selling Inc. "PC" ay isang kumpanyang nagsimula sa Pilipinas at Pilipino rin mismo ang mga may-ari nito. Sa kasalukuyan, ang PC ay tinagurian nang NUMBER 1 Direct Selling Company sa Pilipinas at tagumpay na nitong naunahan ang AVON batay sa total Sales nito.

Gustong maging membro ng PC? Alamin ang pamamaraan dito.

No comments:

Post a Comment