Monday, March 27, 2017

Ang Kwento ng Aking Pangalawang Managing Director

Mula nung nag-bukas ang PC Malita Branch noong June 16, 2014, naimbitahan ko po si Ms. Bess Cabrera sa kanilang tindahan at siya ang isa sa mga kauna-unahan kong naging recruit.

Si Bess Cabrera sa labas ng Waterfront Hotel Cebu



Ilang buwan siyang naging aktibo sa pagpurchase at pagrecruit subalit sa di ko inasahang kadahilanan, bigla rin siyang huminto. Hanggang isang araw, nangailangan ako ng isang secretary.

Isang taon na ang nakalipas nung nakita ko siya ng personal. Ilang buwan niya ring di inilagay ang sim sa cellphone niya subalit nakita niya ito sa araw mismo ng pagtext ko sa mga tao ko kung may kilala ba silang naghahanap ba trabaho kasi kailangan ko ng magiging kaagapay sa lumiliit namin noon na sales.

Laking gulat ko naman, nag text si Ms. Bess at nagtanong, "Sir, pwede ba ako nalang ang maging secretary mo?" Dahil naalala ko pa siya, sabi ko agad, "Oo, naman pwedeng-pwede. Bukas, pwede ka na mag start agad." Napatanong siya sa text, "Sir, ayos lang ba sa iyo if buntis ako?" Wika ko naman, "Di problema yaon basta't maasikaso mo lang ang aking mga tao." Buntis si Ms. Bess noon sa ika-apat niyang anak. Dapat sana ay nasa Taiwan siya noon kung di lang siya nabuntis sa mga panahong yaon.

Dahil sa mithiin niyang makatulong sa pamilya, tiniis niya ang trabaho kahit sobrang liit lang ng sahod. Si Ms. Bess ay isa lamang high school graduate kaya medyo nahihirapan siyang maghanap ng maayos na trabaho buhat na rin sa kakulangan nito sa edukasyon.

Nagsimula siyang muli sa negosyo at kalaunay napromote din siya bilang Franchise Associate Manager (FAM) noong September 1, 2015.

Ng dahil sa sunud-sunod na trainings sa kanyang grupo, kalaunan ay lumaki ito at nabiyayaan siyang mapromote sa pagka-Franchise Director (FD) noong September 1, 2016.

December 2016 Christmas Party
 PC Malita Trainings


Ito ang training namin na nasabay din sa unang araw ng pagiging MD niya

March 1, 2017 - ang unang araw kung saan ganap na siyang naging isang Managing Director (MD). Isang araw na kung saan masisimulan na niya ang kanyang byahe patungong GREAT LIFE.

Si Bess Cabrera, isang mapagmahal na ina, isang mabuting business partner at isang CERTIFIED PC PARTNER!

Bess Cabrera with the Owner of Personal Collection, Mr. Willie Evangelista

Facebook: MD BESS CABRERA
I-add mo po siya sa FB para lubusan mo siyang makilala.
_________________________________________________________________________________

Gusto mo bang matutunan ang negosyo sa Personal Collection? Bakit di mo subukang magtanong gamit ang iyong cellphone, kontakin mo ang numerong nasa baba.


Marife Mapayo Lad (facebook link)

Contact Numbers:

Smart: <<0910 434 3447>>     
Globe: <<0995 966 1118>>

ONLINE REGISTRATION
Register online to avoid the rush and line: Know the online registration process here <<click this link>>

No comments:

Post a Comment