Si MD Maricel Baldo sa PC Southern Mindanao Assembly noon ika-15 ng Septembre 2017 |
Halos dalawang taon ang lumipas, nabalitaan kong magbubukas noon ang Bansalan Branch sa eksaktong ika-13 ng Mayo 2016. Tanda ko noon, kakauwi ko lang galing Singapore noong Abril 30, 2016 sapagkat ako'y nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa Ernst & Young Singapore mula Enero 11, 2016 bilang isang Senior Auditor.
Dali-dali kong iginrab ang pagkakataon na makapunta ng Bansalan at makapagprospecting agad bagama't Mayo 14 na talaga ako dumating buhan ng regular na trabaho at kinailangan kong magpaalam sa aking boss noon at nag file ako ng leave.
Nilakad ko ang mga kalye sa Bansalan kahit wala akong mga kakilala at nagsumikap na makatagpo ng mga potential recruits na siya kong makakasama sa aking negosyo. Sa unang araw kong yaon, nakatagpo ako ng tatlong bagong recruits na siya ko namang ikinatuwa sapagkat nag sign-in sila noong araw din na iyon. Subalit hindi lang tatlo ang aking mga nakwentuhan, marami pa. Ang iba ay pinasign ko na lang muna sa aking list para makuha ang kani-kanilang numero.
Kinabukasan, ako ay nagtungo sa malayong barangay na kung tawagin ay Eman. Doon, ako ay nagbakasakali baka may matagpuan akong bagong partner sa PC. Di nga ako nagkamali, noong araw din na yaun, nabisitahan ko ang bahay ng aking magiging unang secretary na si Cynthia Andagan. Siya ring tuwa ko sapagkat siya pala ang makakatulong ko sa aking negosyo at naimbitahan niya rin ang kanyang tita na magjoin na walang iba kundi si Maricel Andagan Baldo, 40 taong gulang na siya ring magiging aking pangatlong Managing Director (MD) sa PC na kukumpleto sa aking TRES MARIAS o THREE ANGELS.
Graduation ng aking kauna-unahang Franchise Associate Manager sa PC BRO Bansalan - Cynthia Andagan |
Mayo 23, 2016 nang marecruit ng aking secretary si FB Maricel Baldo. Noon, hindi pa desidido si Cynthia kung magpaparehistro siya bilang member sa PC. Napagdesisyunan niya na ipasok sa akin ang kanyang tiyahin.
Si Ate Maricel "Tata" Baldo ay nagsilbi ring secretary ko sa PC nung bumalik na sa pag-aarala si Cynthia. Noon, isang proud tapper si Ate Tata ng Goma sa Barangay Altavista, Bansalan. Taga kuha siya ng dagta ng goma sa kanilang sariling lupain at kumikita ng nasa P4,000 to P5,000 buwan-buwan. Isang dating domestic helper (DH) si Ate Tata noon sa Singapore sa loob ng limang (5) taon sa isang pamilya doon subalit di na siya bumalik pa nang siya ay mag-asawa. Si Ate Tata ay nasa ika tatlong taon na at kalahati ng Kolehiyo sa pag-aaral ng Komersiyo subalit di na niya ito natapos pa.
Nagsimula siyang maging secretary sa akin buwan ng Agosto 2016 nang bumalik na si Cynthia sa pag-aaral at siya ring gulat ko ng sa unang buwan pa lang ay nakapag recruit na siya agad ng 15 na Franchise Builders (FB) na kinalaunan ay mas dumami pa.
September 2016 ng gumraduate si Ate Tata sa PC Bansalan |
Septembre rin ng taong yaon ng inilipat ko ang aking Mother Branch mula Malita, Davao Occidental to Bansalan, Davao del Sur. Malaking tulong na rin sapagkat residente din ako ng Zone 2, Digos City at hindi ako nahirapan sa pag transfer. Noong panahon ring yaon, nakakuha kami ng dalawang extra slots patungong Cebu at dahil yun lahat sa tulong ni Ate Tata. Sinama ko ang aking common law partner at si FD Bess Cabrera na siya ring Secretary ko sa PC BRO Malita.
MD Bess Cabrera (noon ay FD pa siya sa Sales Summit), Marife Mapayo Lad at MD Maricel Baldo (noon FAM pa siya sa Sales Summit) |
Si FAM Maricel Baldo kasama ang ating minamahal na Managing Consultant ng Personal Collection - Willie Evangelista |
Nobyembre 30, 2017, sa araw ng aming kasal ng aking asawa na si Marife Lad-Agsaulio ganap kong naging Ninang sa aming kasal ang aking THREE ANGELS na sina Ninang Tata kasama si Ninang Bess Cabrera at ang una kong Daughter Managing Director na si Ninang Rosalie Morales.
Congratulations MD Maricel Baldo!
Facebook: MD Maricel Baldo
_________________________________________________________________________________
Gusto mo bang matutunan ang negosyo sa Personal Collection? Bakit di mo subukang magtanong gamit ang iyong cellphone, kontakin mo ang numerong nasa baba.
Marife Mapayo Lad (facebook link)
Contact Numbers:
Smart: <<09104343447>>
Globe: <<09758989514>>
Globe: <<09758989514>>
No comments:
Post a Comment