Friday, June 15, 2018

Pricing & Product Supply Instability

Dalawa sa pinakamahahalang bagay sa isang kumpanya ay ang pricing at product supply.

Supply Chain
Sa mga nagdaang panahon mula ng ako'y naging dealer noong 2010 sa Personal Collection, kapansin-pansin ang pagmahal ng mga produkto nito lalong-lalo na ng mga basic goods tulad na lamang ng Alert Toothpase, Tuff PLD, Blue Wave PLD, White Dove Products at ng SOF & mmmm.

Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng mga raw materials na sangkap sa paggawa ng mga produkto ng kumpanya. Pero para sa mga ordinaryong tao, hindi nila lubos naiintindihan ang pagmahal ng mga produkto ng kumpanya at kalimitan ay ito ang nagiging dahilan ng napakaraming dealers ng kumpanya upang huminto sa pagbebenta dahil umaangal ang kanilang mga customers sa presyo.


Isa pa sa nagpapahirap sa pagbenta ng produkto ngayon ng kumpanya ay ang reformulation ng mga produkto tulad ng aspire, cool-its, formen at alert toothpaste. Ang kadalasang naririnig ngayon ng mga dealers ng kumpanya ay ang reklamong hindi na katulad ng dating produkto ang bagong labas na produkto.

At ang matinding nakakaapekto sa kumpanya ngayon ay ang biglaang pagwala sa mga nakasanayan nang produkto nito tulad na lamang ng Herbs & Beauty Lotion, Immuno-C at Glow Lotion. Ito ay hinahanap-hanap ng napakaraming customers o user ng produkto ng kumpanya. At para sa mga customers nito na nasa bulubunduking bahagi ng bansa tulad ng Davao del Sur at Davao Occidental, ang pagkawala ng Herbs & Beauty ay isa sa nagpadismaya sa mga tao dito. Sambit pa nila ay bakit ito tinanggal eh ito pa naman ang araw-araw na nilang gamit.

Sinubukan na din ng napakaraming dealers ng kumpanya na ipalit ang Avon bilang alternatibong produkto subalit madami sa mga dealers ang nagsasabing hindi pa rin pumapantay ang kalidad ng Herbs & Beauty sa mga ito.

Dahil importante sa kumpanya upang maiposisyon nito ang sarili bilang pantapat sa Avon na nangunguna parin sa larangan ng Direct Selling, kailangang maging maingat ang PC sa pagsolusyon at pagsigurado na hindi na magiging balakid pa ang mga bagay na ito sa kumpanya. Kailangang maging stable ang supply upang hindi mabawasan ang sales ng bawat unit nito.

Parehas din ba ang napagdaanan ninyo sa inyong lugar ka-PC?


No comments:

Post a Comment