Thursday, February 11, 2021

Papaano Maging Managing Director o MD sa Personal Collection?

Hi mga ka-PC 😘,

Alam ko excited na excited ka sa PC Business mo ngayon. Maaaring kakasign-up mo pa lang nung isang araw o maaaring old member ka pero gustong-gustong-gusto mo si PC at ang mga products nito. Maaari ding isa ka nang Franchise Associate Manager (FAM) o isang Franchise Director (FD) na at binabalak mo pang magkaroon ng mas malaking kita.

Managing Director "MD"

Ang pagiging Managing Director ay isa sa pinakamataas na achievement dito sa PC sapagkat meron kang kailangang i hit bago ka mapromote.

STEP 1 - Kinakailangang nasa FD Level ka na bago ka magqualify for promotion. 

kailangang FD ka muna


STEP 2 - Para sa mga newly promoted FDs, kailangan munang maging FD ka sa loob ng tatlong buwan bago ka magiging qualified sa qualifying period. Halimbawa ay napromote ka bilang FD noong December 2020, ang "Residency Period" mo ay mula January 2021 to March 2021. Ibig sabihin, sa April 2021, pwede ka na agad magstart sa "Candidacy Period".

STEP 3 - Para makastart ka sa Candidacy Period, siguruhing may malaking sales ka sa previous month at least P150,000 booked sales. Dahil ito ang magiging Paid-In Sales sa susunod na buwan or ang Candidacy Period mo. Balikan natin ang halimbawa sa Step 2.

Nabanggit natin na ang Candidacy Period ng newly promoted FD ay sa 4th month nito which is on April 2021. Kailangan kasi na magkaroon ng P120,000 booked sales (gross sales excluding non-discounted products) o yung benta mo na brochure's price at di kadali dito ang mga promo na wala ng discount.

Kailangan din ng P120,000 paid in sales on your first month sa Candidacy Period mo. Ibig sabihin, dalawa ang requirement para masimulan mo ang Road to MD mo. Kapag na hit mo ang P120,000 booked sales and P120,000 paid-in sales, officially ikaw ay nasa Candidacy Period na.

STEP 4 - Kailangang ma-maintain ang P120,000 booked sales and P120,000 paid-in sales sa loob ng magkakasunod na tatlong (3) buwan o three consecutive months.

STEP 5 - Kailangan din na sa loob ng tatlong buwang Candidacy Period ay meron kang maipromote na limang (5) Franchise Associate Managers (FAM) o di kaya mairecruit na limang (5) sourced out FAM. Pwede namang 3 na promoted FAMs at 2 na sourced out FAMs basta limang FAM ang kailangan mo aside sa P120,000 booked sales and P120,000 paid-in sales sa loob ng 3 month Candidacy Period.

Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng STEPS dito, siguradong mapropromote ka bilang isang MD.

Magiging MD ka din ka-PC.

Love,

FEL CEAZAR C. AGSAULIO



No comments:

Post a Comment