Nagsimula ang Personal Collection "PC" bilang isang direct selling company sa iisang produkto lamang, at ito ay ang Tuff Toilet Bowl Cleanser. Pero sa pagpupursige ng may-ari ng kumpanya na si Mr. Willie Evangelista at ng mga naunang mga dealers ng personal collection, naging makasaysayan ang pagiging pangalawang pinakamalaking direct selling company sa Buong Pilipinas. Sa kabila ng mga napagdaanang matitinding problema at sakuna ng PC, ito ngayon ang nangungunang Direct Selling sa larangan ng home care distribution sa Pilipinas.
Subalit ang PC ay nagkaroon ng isang pagbabago ng sinimulan ng ni-launch ng PC ang isang makabago at mas pinagandang sistema na tinatawag ng PC Unli. Ito ay matapos pag-aralan ng kumpanya ang mga negatibong komento/ feedback ng mga naunan ng dealers ng PC at ito ay inihanay o pangunahing dinisenyo hango sa isang full blown networking company lalo na sa uri ng marketing plan nito na kakaiba at mas realistic kaysa nauna nito na mas malapit sa Multi-Level Marketing.
Ang pagbabagong ito ay pinangunahin ng panganay na anak ni Mr. Willie na ang Pangalan ay si Mr. Jun Evangelista. Ito naman ay naging Vice President for Sales sa taong inilabas na ang mga pilot sites.
May tatlong pilot sites ang PC at ito ay ang mga sumusunod:
- PC Unli Pozzorubio (Luzon)
- PC Unli Silay (Visayas)
- PC Unli Compostela (Mindanao)
- PC Unli Buhangin, Davao (Mindanao)
- PC Unli Puerto Prinsesa, Palawan (Luzon)
- PC Unli Brookes Point, Palawan (Luzon)
- PC Unli Taytay, Palawan (Luzon)
- PC Unli Roxas, Palawan (Luzon)
- PC Unli Narra, Palawan (Luzon)
- Mas maliit na kitaan
- Hindi accumulated ang sales sa lahat ng branches
- Walang inihahandang sistema para solusyunan ang #2 na issue
Ang PC Unli ay hindi gaya ng mga networking companies na kung saan ay kinoconsolidate nito ang sales sa lahat ng branches at dahil ito ay may mas maliit na rate ng rebates, lumiliit ang binabayarang commission ng PC sa mga dealers nito na nag nenetwork sa kumpanya.
HINDI ACCUMULATED ANG SALES SA LAHAT NG MGA BRANCHES
Hindi singkronisado ang operasyon ng PC Unli sa traditional o naunang marketing plan ng kumpanya kung saan nagiging kumpetensiya ng mga nasa dating marketing plan ang mga leaders na nabubuo ng PC Unli. Mas maganda ang kitaan ng old marketing plan dahil mas malaki ang kita ng mga Managing Directors kahit sa isang recruit nito sa ibang branches. Subalit sa PC Unli, dahil nga po hindi consolidated ang sales ng mga ito, lumiliit ang kita at minsan pa ay wala nang kikitain pa ang mga mangers dahil kung ano ang sales requirement ng isang PC Unli branch, ganun din naman ang requirement sa ibang unli branches. Ito ay hindi katulad ng mga networking companies lalo na sa usapang rebates mula sa genealogy tree.
Illustration #1 of MD in PC Unli
Ikaw ba, anong PC company ka nakahanay? Sa lumang PC o sa makabagong PC na mas kilala bilang PC Unli? Nga pala, wala talagang linaw mula sa kumpanya ang bagay na ito at palaisipan parin sa mga managers kung ano na ang mangyayari sa hinaharap.
Saan nga ba tutungo ang PC? Abangan.
No comments:
Post a Comment