Saturday, July 23, 2022

PC UNLI, Ito na ba ang kinabukasan ng Personal Collection?

Nagsimula ang Personal Collection "PC" bilang isang direct selling company sa iisang produkto lamang, at ito ay ang Tuff Toilet Bowl Cleanser. Pero sa pagpupursige ng may-ari ng kumpanya na si Mr. Willie Evangelista at ng mga naunang mga dealers ng personal collection, naging makasaysayan ang pagiging pangalawang pinakamalaking direct selling company sa Buong Pilipinas. Sa kabila ng mga napagdaanang matitinding problema at sakuna ng PC, ito ngayon  ang nangungunang Direct Selling sa larangan ng home care distribution sa Pilipinas. 

Subalit ang PC ay nagkaroon ng isang pagbabago ng sinimulan ng ni-launch ng PC ang isang makabago at mas pinagandang sistema na tinatawag ng PC Unli. Ito ay matapos pag-aralan ng kumpanya ang mga negatibong komento/ feedback ng mga naunan ng dealers ng PC at ito ay inihanay o pangunahing dinisenyo hango sa isang full blown networking company lalo na sa uri ng marketing plan nito na kakaiba at mas realistic kaysa nauna nito na mas malapit sa Multi-Level Marketing.

Ang pagbabagong ito ay pinangunahin ng panganay na anak ni Mr. Willie na ang Pangalan ay si Mr. Jun Evangelista. Ito naman ay naging Vice President for Sales sa taong inilabas na ang mga pilot sites.

May tatlong pilot sites ang PC at ito ay ang mga sumusunod:

  • PC Unli Pozzorubio (Luzon)
  • PC Unli Silay (Visayas)
  • PC Unli Compostela (Mindanao)
Dahil sa tagumpay ng pilot launching ng mga PC Unli branches, ang numero ng mga PC Unli branches ay mas rumami pa at ito ang mga branches na nadagdag:
  • PC Unli Buhangin, Davao (Mindanao)
  • PC Unli Puerto Prinsesa, Palawan (Luzon)
  • PC Unli Brookes Point, Palawan (Luzon)
  • PC Unli Taytay, Palawan (Luzon)
  • PC Unli Roxas, Palawan (Luzon)
  • PC Unli Narra, Palawan (Luzon)
Subalit, may malaking loop hole ang marketing plan ng PC Unli na siyang ikinakabahala ng mga dati ng Managing Directors ng PC.
  1. Mas maliit na kitaan
  2. Hindi accumulated ang sales sa lahat ng branches
  3. Walang inihahandang sistema para solusyunan ang #2 na issue

MAS MALIIT NA KITAAN

Ang PC Unli ay hindi gaya ng mga networking companies na kung saan ay kinoconsolidate nito ang sales sa lahat ng branches at dahil ito ay may mas maliit na rate ng rebates, lumiliit ang binabayarang commission ng PC sa mga dealers nito na nag nenetwork sa kumpanya. 

HINDI ACCUMULATED ANG SALES SA LAHAT NG MGA BRANCHES

Hindi singkronisado ang operasyon ng PC Unli sa traditional o naunang marketing plan ng kumpanya kung saan nagiging kumpetensiya ng mga nasa dating marketing plan ang mga leaders na nabubuo ng PC Unli. Mas maganda ang kitaan ng old marketing plan dahil mas malaki ang kita ng mga Managing Directors kahit sa isang recruit nito sa ibang branches. Subalit sa PC Unli, dahil nga po hindi consolidated ang sales ng mga ito, lumiliit ang kita at minsan pa ay wala nang kikitain pa ang mga mangers dahil kung ano ang sales requirement ng isang PC Unli branch, ganun din naman ang requirement sa ibang unli branches. Ito ay hindi katulad ng mga networking companies lalo na sa usapang rebates mula sa genealogy tree.

Illustration #1 of MD in PC Unli


Pansining mabuti ang personal sales sa mga unli branches. Kinikailangangs magkaroon ng maintenance sales ang isang manager sa lahat ng unli branches dahil hindi ito naconconsolidate o napapag-isa. Kahit gaano pa kalaki ang grupo mo sa isang branch, ay mawawala ang iyong pinaghirapan. Kaya nararapat na mag work-out pa din ang isang manager sa area na meron siyang personal recruits. Ito ay hindi katulad ng mga networking companies na isang maintenance lang ang ang kailangan mabuo ng isang miyembro.


Illustration #2 of MD in PC Unli
Ang ilustrasyong ginawa natin dito ay hango sa sitwasyon ng isang MD mula sa traditional na marketing strategy o ang lumang marketing na sinusunod ng mga naunong dealers. Ito ay pupwedeng mangyari dahil sa halos din lahat ng mga dealers na nag recruit para sa unli branches ay mula sa existing na dealers mula sa lumang marketing plan. Kailangang magkaroon ng personal sales ang manager na may mga recruits o maaring ang recruit niya ang nagkaroon ng recruit sa unli branch para makakuha ng rebates o mas kilalang sales commission. Dahil kung walang maintenance ang isang MD, balewala ang sales ng grupo niya sa unli branches. Ang laki ng natipid ng PC sa unli branches.


WALANG INIHANDANG SISTEMA PARA SOLUSYUNAN ANG ISSUE #2

Mula noong 2016, wala pa ring pagbabago sa sistemang ginagamit ng PC. Walang plano ang kumpanya para sa kinabukasan ng mga naunang managers patungkol sa pagbibigay linaw sa kung ano nga ba ang direksyon ng kumpanya sa hinaharap. Walang kahit anomang dayalogong nagaganap at patuloy na nakahiwalay ang operasyon ng parehong Personal Collection.

Ikaw ba, anong PC company ka nakahanay? Sa lumang PC o sa makabagong PC na mas kilala bilang PC Unli? Nga pala, wala talagang linaw mula sa kumpanya ang bagay na ito at palaisipan parin sa mga managers kung ano na ang mangyayari sa hinaharap.

Saan nga ba tutungo ang PC? Abangan.








No comments:

Post a Comment